Ilang Pagninilay
July 14, 2010
by Cesar S. Guevarra
Sapagkat paminsa’y higit ang natatanaw sa nakikita,
sinupin na ang pag-iisip at magpasyang umasa sa mabuti at mangarap ng walang balakid.
Hindi rin naman habambuhay dadamhin ang pagod,
pilitin nang ngumiti sa kaalaman na ang pinakamadilim na gabi ay kukubli sa unang huni ng pinakamaliit na ibon.
Mainit, malapot, at buhay ang dugong dumadaloy sa kalamnan,
salubungin ng buong kisig ang pait at sakit gayung dapat magpasalamat at nakararamdan pa rin.
Laliman ang pagtingin: ang sa iyo’y dulo ay panimula ng iba,
usisain na ang katangian ng isang bagay o pangyayari’y hindi naman angkin kaysa sa ito’y paningin.
Photo taken at Lapu-Lapu, Cebu Province, Philippines
Advertisement
